Sabado, Hulyo 21, 2012

Lahat ay BAGO




  BAGONG KARANASAN

  Tapos na ang ikaapat na taon ko sa hayskul, panahon kung saan nakatanggap din ako ng parangal na sobrang ikinagagalak ko dahil nagbunga din ang paghihirap ko sa loob ng apat na taon na pamamalagi dito sa kabila nito kalungkutan din ang aking naramdaman dahil lilisanin ko na ang bahay na nagbigay sa aking ng maraming karunungan na siyang ngayon ginagamit ko na sandata sa bagong mundo ginagawalan ko. Salamat sa bawat guro na nagbigay sa akin ng pagkakataon na hubugin ang sariling kakayanan sa kabila ng aking kahinaan.
Bagong bahay, bagong buhay at higit sa lahat bagong mundo. Mga bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari sa pagpasok ko sa kolehiyo. Sa umpisa naninibago ako sobra sa bagong mundo ginagawalan ko, iba sa kinagawian ko noon. Sa totoo lang iyon talaga ang totoong mundo natin na ginagawalan, maraming nagiba mula ng mapunta ako sa bagong bahay ng karunungan. Kakaiba ang bahay na ito dahil tinuruan nila ko na manindigan para sa sarili ko at ipaglaban ang ano ang dapat sa akin. Antas ng pamumuhay ay pantay pantay ko tutuusin pero hindi mo pa rin maikakaila na may mga tao pa rin nakakahigit sa iyo.

Unang araw sa Unang Taon.Wala akong kakilala, Sadyang para akong bata na nawawala sa isang mall. Haixt  ! Iba nga pala sa hayskul sa kolehiyo, Ibang iba. “ Iskolar ng Bayan Ngayon ay lumalaban”, “Edukasyon,edukasyon karapatan ng mamayan” mga salitang una ko narinig at tumatak sa utak ng bawat isa na nandun.Naranasan ko din ang magklase habang may nagproprogram at nagkakasayahan.Haixt !Naku wala ako talagang marinig, Sariling sikap na lang ito.
Naranasan ko din ang bumagsak sa mga pamanahong pagsusulit dahil sa sobrang pagod .Masaya din ang klase kapag may mga aktibidades katulad ng Management Week.Pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa bayan , mga bagay  na ipinaintindi din sa aking ng bago kong bahay.




Ubos man ang salapi okie lang kasi may mga tao naman akong natulungan.Sa kabila ng isang taon pagod. Salamat pa din sa Panginoon sapagkat nandito pa rin ako patuloy na tumatanggap ng mga biyaya mula sa kanya, karangalan na hindi maagaw ng iba,at higit sa lahat bagong kaibigan at kanlungan na magtuturo para sa akin para maging matagumpay ang tatahakin kong landas.

 "You don't need to be superhuman, and you don't need to be perfect. Simply live the best you can and God will take care of the rest."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento